Monday, December 29, 2008

This is the S-E-A-S-O-N to be jolly.

Have a very very merry and wonderful Christmas and
a prosperous and blessed New Year!
God bless thee.

Remember that He is the greatest gift given to us.
Remember HIM in every reason we choose to celebrate.

FIL 25 PAPER NO. 4:It’s Christmas, “Christ”-mas Time!

UP Manila Chorale
December 13,2008 7 pm
PhilAmLife Auditorium,UN Avenue, Manila

G.F. Handel “Messiah” -- nakasulat sa tiket ng UP Manila Chorale para sa kanilang concerto. Okay na okay na theme ng chorale, talagang napapanahon ngayong Kapaskuhan.

Sino nga ba si Handel? Kung hindi mo siya kilala, kasabayan siya nila Johann Sebastian Bach at Domenico Scarlatti. Kabilang siya sa mga magagaling na maestro ng musika noong Baroque. Sumikat siya sa piano/organ(kung hindi ako nagkakamali hindi pa naman uso ang piano noon) piece na The Messiah na may “Hallelujah Chorus”. Ayaw talaga siyang pag-aralin ng kanyang magulang ng musika, gusto nila mag-law na lang daw siya. Ngunit, may nakakakita ng kanyang potensyal, biro mo 7 years old siya naging organist na siya sa simbahan nila. Pinasikat at ginamit din niya ang technique na fugue – contrapuntal composition or technique of composition for a fixed number of parts, normally referred to as "voices”. Na ngayon ay talagang ginagamit ng mga komposer.

Pero ang entry na ito ay hindi lamang tungkol kay Handel, ito ay tungkol sa pagbibigay- buhay ng UP Manila Chorale sa mga komposisyon ni Handel, mga English at Tagalog na Christmas songs, sa ganitong paraan – nabibigyan na rin nila ang mga ito ng isang pagpupugay.

Magaling at maayos ang pagkakanta ng mga awitin, kabilang na ang “Gloria in Excelsis Deo”, “Jingle Bells”, “Santa Claus is coming to Town”. Ang ibang mga Filipino Christmas songs ay “Pasko na Sinta ko” at “Kumukutitap” at marami pang iba. Hindi ko lang matandaan ang mga pamagat ng ibang kanta sapagkat ang ilan ay nasa ibang lenggwahe o hindi ako pamilyar sa mga kanta. (Nahati ang palabas sa dalawang bahagi: ang una’y mga kanta sa ibang bansa na nasa ibang lengwahe at ang pangalawa ay mga kanta ng Pilipino at sikat na Christmas Carols.) Sa isang banda, maganda rin ang kanilang ginawang hindi lang puro kumon na Christmas songs ang inawit, sapagkat naipapakita nila ang kanilang “versatility” bilang mga mang-aawit at ibinubukas din nila ang isipan ng mga manonood ukol sa musika ng ibang kultura at ng bansa nito.

Mula sa ipinakita nilang talento sa pagkanta, naipadama talaga nila ang mga damdaming nais ihatid ng mga kanta. Hindi naman talaga nakakapagtaka sapagkat magaling naman talaga ang UPM Chorale, masasabing kabilang ito sa prestigious choirs sa Pilipinas, o maging sa buong mundo. Dahil, sumasali sila sa mga paligsahan sa ibang bansa, at aba!! Humahakot pa rin sila ng gantimpala!!!!

Sa kabila nito, may puna ako sa palabas, marahil nakapanuod na ako ng concert ng UPM Chorale dati, kung ikukumpara ko doon, masasabi kong medyo hindi “lively” ang concert. May mga parte na medyo “dragging”.

Pero kung isusuma, worth it ang show at nagpapaalala na malapit na ang Pasko---isang pagbibigay buhay sa kapanganakan ni Hesus at pagbibigay pag-asa na may magagandang banyuhay na maari pa natin gawin para sa darating na taon.

Joyeux Noel and a Happy New Year!!!!

Sunday, December 7, 2008

FIL 25 paper no. 3 - Hawig paragraph 11

"Instant" henerasyon?

Ang henerasyon ngayon, nakatutok na lang lagi sa telebisyon. Sapagkat ang telebisyon nga naman ay kumpleto, kung ayaw mong magbasa ng dyaryo may mga balita, sa walang magawa maari silang makipagkilala sa ibang tao: makipag-date, pwede magkaraoke, pwede rin makinig ng mga dasal, mayroon din maraming palabas kung saan magiging bukas ang mga isipan ng mga tao sa mga realidad at mga kaganapan sa mundo. Oh di ba? All in one. Napaka-instant. With a touch of button, ayan na! Ganyan din daw ang henerasyon ngayon, sige sige lang ang pagkilos, kung ano sabihin o makita sa telebisyon-gagayahin o hindi kaya bibilhin- ang henerasyon daw ngayon- hindi makapaghintay. Katulad ng ipinapakita sa maraming palabas at komersyal sa TV - instant kaibigan , instant pag-ibig, instant kaligayahan. Marami sa mga karakter ang nagpapakita na okay lang bumili ng bumili ng mga damit, magkaroon ng instant na kaibigan at pag-ibig atbp. Pero sa totoong buhay hindi naman maari iyon. Nagpapatunay ito sa pagiging “subsumed” na ng kabataan sa telebisyon. Isa itong nakakalungkot na pangitain. Sadyang napakalaki ng impluwensya ng telebisyon, hindi lamang para sa pagpapahayag ng impormasyon ngunit pati na rin sa pansarili at panandaliang gratipikasyon. Pero, sa totoo lang, maari naman tumiwalag o hindi sumunod sa ihip ng masamang idudulot nito, nasa sa tao lang iyon-- telebisyon lang iyon.

FIL 25 paper no. 3 - PRECIS paragraph 6-7

Ang totoong layunin ng advertaysing

Ang advertaysing ay isang instrumento ng kontrol sa lipunan. Hindi maitatangging katotohanan sapagkat saan sulok man tayo ng Pilipinas pumunta eh lahat may advertisement, lahat na lang ng dapat bilhin ay idinidikta nito (syampoo, sabon atbp.). Ngunit, ito ay nagkakaroon ng hindi magandang reputasyon, ito ang ilan sa mga dahilan: Lahat ng ninanais ng mga tao ay nagiging mababaw sapagkat nakadepende na lang ito sa kung anu man produkto meron sa merkado at kung kalian nila bibilhin ito at papaano. Ayon pa nga kay Potter,“di taglay ng advertising ang mapagbuti ang isang indibidwal o magdivelop ng mga katangian na magiging kapakipakinabang sa lipunan sapagkat wala ito sa kanilang pananagutan.” Isa itong nakakatakot na realidad ng advertaysing na mabilis na ipinapahayag sa telebisyon, sapagkat napakalaki ng impluwensya ng advertisements sa atin (impluwensiyang napapaniwala nila ang mga ordinaryong tao na ang produkto nila ay kaakit-akit at dapat bilhin), eh ang adhikain lang pala ng mga advertisers ay ang bilhin ang kanilang produkto at kung anu man ang kalagayan o mangyayari sa mga konsumer nila ay hindi na nila sakop iyon.

Tuesday, December 2, 2008

FIL 25 paper no. 2 (part 2):SAGISAG NG NGIPIN SA IBA’T IBANG KULTURA




"You ever pull a tooth?"
"How tough are you?"
"Oh, I had 'em pulled before with pliers. That what you mean?"
"Nah. They showed us this movie in dental school. Some tribe that knocks out boys' teeth with a big stick as the highlight of a puberty rite."'


Nakakagulat noh? Marahil sa mga taong may kultura katulad noong nasa itaas, ay normal lang sa kanila.

Sabi sa aking isang nasaliksik, ang ngipin ay may mga sagisag o may mga kanya kanyang importansya sa bawat kulturang kinabibilangan ng isang tao. Hindi ba’t ang galling, kasi ngipin, ngipin na nasa bunganga: pinang-ngunguya at ginagamit sa pagsasalita, halos ganyan ang alam natin ginagawa ng ngipin. Pero sa iba pala, may mga pamahiin ukol dito: mula sa pagkabungi atbp. O di kaya’y pinag-uugatan ito ng malalim na kultura katulad na lang ng pagkukulay ng itim sa mga ngipin ng mga Hapon na sumisimbolo ng estado, loyalty at iba pa.

Kaya naman, pumili ako ng iba’t ibang pamahiin ukol sa mga ipin na nagpapatunay na iba’t ibang pagtingin ng kultura dito.

Sa Korea: Kapag ang mga bata ay nabungian sa parteng ibaba ng jaw ay tinatapon nila ang ngipin sa west roof. Kapag sa itaas naman na parte, ang ngipin ay hinahagis sa east roof. Pinaniniwalaan nila na kinukuha ito ng Magpie o klase ng ibon magkakaroon ng panibagong ipin at swerte. Koreans believe that magpie is a good omen.

Sa Amerika: Kapag nabungi ang bata, inilalagay ito sa ilalim ng unan at pinaniniwalaan na papalitan ito ng tooth fairy ng pera. (sa totoo lang, hindi naman ito totoo).


Sa Mongolia: Pinapakain nila ang baby tooth sa aso, para daw kapag kinain, tutubuan ang bata ng matibay na ngipin.


Sa Asia: Ang baby tooth ay ihinahagis pataas sa bubong para tumubo ng maganda ang ngipin.



“Ang eohaguro” – pagiitim ng ipin.
Nawala itong tradisyon na ito dahil sa pagpasok ng Westernized na kultura noong panahon ng Meiji.

Ang pag iitim ng ngipin ay para na rin fashion, nagbabago bago depende kung ano ang dinidikta ng kultura at pinapauso ng panahon.

Ang kulay ng ipin ay repleksyon ng kagandahan, estado, edad,loyalty o kapangyarihan. “The aesthetic sense of color in Japan has been influenced by Buddhism, thoughts from ancient times, and the Yin, Yang and five elements combination theory.”


The Japanese word of is connected with night; of expresses darkness after the sun sets. In ancient times, night was considered the time when evil spirits being rampant. Black was ill-omened and hated as a color which means to be wrong. However, in the Buddhist faith, black is the changing of color which cannot be dyed with another. It was believed to represent robustness and dignity from its visual weightiness, and thus the high ranking Samurais were fond of using it


Ang unang nag-itim sa ngipin ay ang mga lalaki o mga Samurai na nagwakas noong Muromati Era, sumunod dito ang mga babae para mas maging kaakit akit ang kanilang pisikal na anyo para sa kanilang mga asawa. Dahil dito, naging batayan na ito ng estado ng isang babae sa lipunan.

Mayroon pa ngang medyo“extreme” na nakasuot ng kimonong itim, at mag-mamake-up ang buong mukha ng itim, isa ito upang hindi maipakita ang ekspresyong tinatago ng babae (galit, tuwa atbp.). May implikasyon ito sa kultura nila ay ang pagpapakita ng subordination ng babae sa lalake, loyalty, marital status at tungkulin. Nakaugat ito sa ideya nila ng fidelity.

Marahil ngayon mga panahon ay wala na talagang gumagawa nito, ngayon naman pagpapaputi na ng ngipin ang ninanais ng karamihan. Kung kaya’t totoo na kung ano ang kultura na umuusbong at kumukontrol ng halos lahat ay yun din ang nagiging repleksyon ng kultura ng isang bansa na minsa’y may mga sariling pamantayan at tradisyon. Na malinaw na nakikita sa mga kulay ng ngipin natin.

MGA KARAGDAGANG KAALAMAN
> Some mummies have teeth filled with a kind of resin and malachite. In other mummies, gold wire has been used to bind loose teeth.
> Mas Mahal ang dental fee sa United states kaysa sa Japan
> Ang mga “dentists” ng Egyptian ay ang mga scribes din nila

Sanggunian:

n.a.(2005, October 9). Coffee and Chaos: Ang Alamat ng Pulang Ngipin. Retrieved
November 30,2008, from
http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4086
n.a.(n.d.). No Title. Retrieved November 30,2008, from
http://www.nature.com/bdj/journal/v192/n12/full/4801462a.html
Hoon, J. (n.d.). Baby Teeth. Retrieved November 30,2008, from
http://www.elc.byu.edu/classes/buck/w_garden/students/students_comparison.htm
n.a.(n.d.). Coffee and Chaos: Ang Alamat ng Pulang Ngipin. Retrieved
November 30,2008, from http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4086
Rodriguez, Z. (n.d.). What happens when a child loses his first tooth in Mexico.
Retrieved November 30,2008, from www.google.com
Toda, N. (n.d.). Goodbye to Baby Tooth. Retrieved November 30,2008, from
http://www.google.com/
Fukugawa, M. (n.d.). Teeth as a colorful form. Retrieved November 30,2008, from
http://www.fukagawa.or.jp/research/Teeth_color.html
n.a.(n.d.). Mummies. Retrieved November 30,2008, from
www.jirdc.org/dental/Just_for_Fun/Tooth_Trivia/Teeth_Tales/teeth_tales.html - 38k

FIL 25 paper no. 2 (part 1) ALAMAT NG NGIPIN: ALAMAT NG PULANG NGIPIN


Nagdadalaga na si Nimpa. Tinutubuan na siya ng pimples at nagsisimulang umumbok ang kanyang harapan. Sa makalawa, ipagdiriwang na niya ang ika-13 kaarawan. Gaganapin na ang kanyang kinatatakutan niyang ritwal ng pagtitinta ng ngipin. Sa seremonyang ito, habang nginunguya ang nganga, bababa si Daugbulawon – ang diyosa ng kagandahan – upang sumanid at gisingin ang kaluluwang natutulog sa murang katawan ni Nimpa.

Kung naiintidihan lang ni Nimpa ang mahabang kasaysayan at kahalagahan ng ritwal na pagnganganga sa kanilang kultura, marahil, hindi na siya aalma pa. Ang pagnganganga o betel nut chewing ay isang kaugalian ng pagnguya ng bunga ng areca at apog na nakabalot sa dahon ng ikmo. Pinaniniwalaang nagsimula ang tradisyon ito 4,500 hanggang 5,000 taon na ang nakararaan. Ayon kay Rosa Magno-Icagasi, isang iskolar ng araling pansining, laganap ang pagnganganga sa lahat ng etnolingwistikong grupo – mula Batanes hanggang Tawi-Tawi, sa kabundukan at kapatagan, sa lipunan ng mga Kristiyano at Muslim, at gayundin sa mga tribong animistiko.

Ayon sa mga alamat, isang sagradong pamana ng mga diyosa ang ritwal ng pagnganganga. Dahil sa mayamang mitolohiyang bumabalot dito, naging sentro ito ng pamumuhay ng mga katutubong Pilipino. Lahat ng gawaing panlipunan tulad ng kasalan, lamay, paglilitis o pagpupulong ay nagsisimula at nagtatapos sa pagnganganga. Noong sinaunang panahon, maaring maubusan ng bigas o mais ang isang pamilya ngunit hindi kailanman ang nganga.
Masusukat ang kahalagahan ng pagnganganga sa lipunan ng mga katutubo sa paggamit nito sa wika, ayon din kay Magno-Icagasi. Mahahanap ang terminolohiyang ito sa iba’t ibang anyo ng panitikan—tulad ng bugtong, kasabihan, at alamat – saan mang lugar ng Pilipinas. Sa katunayan, mas marami pang salita tungkol sa nganga kaysa sa bigas, buko, at mais. Makikita rin ang nganga sa mga alamat ng mga Tiruray, Manobo, Bagobo, Hanunoo at sa mga kasabihan ng mga Pangasinanense, Tagalog, Kalinga, at Yakan.


Tunay ngang tradisyon na ang paggamit ng nganga sa iba’t ibang grupo ng tao sa Pilipinas; lalo pa akong namangha sa impormasyon na sa mga pamilya noong unang panahon ay gayun na lang ang pagbibigay importansya nila rito-mas mahalaga sa pagkain. Natatandaan ko, sabi ng aking lola- gumagawa sila dati ng nganga. Ito ay hanapbuhay ng kanilang nanay na ipinamana sa kanya. Mabiling mabili daw ang nganga dati sapagkat wala naman silang toothpaste, ngumunguya ang mga tao ng nganga upang patibayin ang kanilang mga ngipin. Hindi man nakakaputi ng ngipin, sa katunayan ay nagiging mapula pa nga ang mga ito, nakakatulong ito sa pagtagal o iwas sa pagkabungi ng kanilang mga ngipin.

Dati ay mayroon pa akong nabasa na ang nganga ay status symbol. Partikular ito sa mga Igorot, kung ang iyong katungkulan ay mas mataas, mas madalas gumamit ng nganga o sila lang talaga ang gumagamit nito. Hindi nga lang ako sigurado kung hanggang ngayon ay ipinatutupad ito.

Ang nganga ay hindi lamang biyaya ng mga mitolohikong figures na gaya ng nabanggit sa itaas, kundi naging tradisyon ito sa maraming Pilipino sa mga henerasyong nagdaan, sapagkat ito para sa kanila ay hanapbuhay, pagpapakita ng estado sa buhay at hindi man nila nalalaman, pagpapatunay na ang mga tao noong unang panahon ay may kaalaman na sa dental hygiene. Isa pa ay ang pagiging “ingenious” nila. Maganda ang pagkakaroon ng ganitong tradisyon at kultura ng pagnganganga sapagkat dito nabubuhay ang mga nakakamanghang kaugalian ng Pilipino. Ngunit, unti-unti na natin itong nakakalimutan lalo na sa aming henerasyon bunga ng globalisasyon at hegemony ng mga karatig na super powers. Sana naman ay huwag tayo magpadala rito at hindi natin makalimutan ang kulturang ito sapagkat ito ay nagpapakita at nagpapatingkad ng ating pagiging Pilipino. Hindi man natin ginagawa ang pagnganganga ngunit ang simpleng pagkakaroon ng alam ukol dito at pagkukwento nito upang mabigyang buhay ang tradisyon ay higit na nakakatulong.