Sunday, January 11, 2009

Ang Internet at ang Henerasyon ngayon (tentative/unrevised)

T.S.: Ang Internet ay nagbubuklod at humuhubog sa mga buhay sa henerasyon ngayon.

I. Depinisyon at Orihin ng Internet

II. Ang bentahe sa paggamit ng Internet ng isang indibidwal.
A. Ang mga impormasyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay ay maari ng makita sa
mabilis at hindi masyadong mahirap na paraan.(billings, shopping, research atbp.)
B. Ang internet ay nagbibigay daan sa pagkakaroon ng unlimited freedom sa kung ano
mang nais gawin.

III. Ang disbentahe sa paggamit ng Internet ng isang indibidwal.
A.Nagiging mas tamad at nawawala na ang effort para idevelop pa ang ibang aspeto
sa sarili.
B. Limiting (nagkakaroon ng paghinto ng kaunlaran ng kaisipan). Nagrerely sa copy
and paste method.
C.Sa dami ng impormasyon, pati ang irrelevant o hindi kanais-nais na sites ay na-aaccess
(hal. pornographic sites).

IV. Ang Internet bilang midyum ng komunikasyon
A. Ang pagkomunika ng bawat tao ay naging madali ngunit madalas pinag-uugatan ng hindi
pagkakaunawaan.
B. Ang pagkakaroon ng maraming social circle sites.
C. Ang hacking ay madali ng naisasagawa ngayon.

V. Ang Internet bilang isang midyum ng advertaysing
A. Ang print media ay maaring mapalitan.
B. Napapamura at napapadali nito ang pagpromote ng mga events, produkto ng isang
kompanya at small-scale o large-scale entrepreneurs.
C. Madaling namomonitor ng mga investors, businessmen ang kanilang investment.

VI. Ugaling hinubog sa lipunan mula sa paggamit ng Internet.

Editorial Cartoon: Untitled

Ang gulo natin. Ang gulo ng gobyerno natin.

Tuwing may allegasyon na lamang sa gobyerno, hindi ito nabibigyan solusyon sapagkat sadyang tumatahimik o pinapatahimik ang mga sangkot o kung hindi naman, napapansin ko na laging may isang isyu na naman uungkatin at mababaon na sa limot ang pangkasalukuyan isyu. Sa aking palagay, isa itong maling gawain, na parang lagi na lang napapalusot ang mga isyu na ito, hindi na tuloy nasasala at nahihiwalay ang mga mali at tamang gumagawa ng tungkulin.

Dumako tayo sa editoryal kartun. Malinaw na isa itong batikos sa kasalukuyan pangulo at administrasyon. Ang kartun ay maraming sinasaad ukol sa mga isyung bumabalot sa mga nanunungkulan. Sa katunayan, kasing dami ng ‘facets of diamond’ ang interpretasyon.

Magsimula tayo sa gitna, sa pinamamagatan nilang pekeng pangulo. Bakit nga ba peke? May original ba? Ito ay nagsasaad ng pandaraya na ginawa noong nakaraaang eleksyon ang Hello Garci isyu na konektado kay J.J.Bolante “The Fertilizer Fund Scam”. Sa madaling sabi, walang siyang mandate mula sa tao, kung siya nga ay nandaya. Pansinin ang ekspresyon sa mukha at gawain sa katawan—Ang mga mata na parang nanunuot na marahil alam ng administrasyon na hindi talaga kayang pagtaguan pa ang mga batikos pati na rin ang mga patung-patong na isyu ay mahigpit pa rin ang kapit nila (makikita ito sa closed-fist at matutulis na kuko at ang kagat niya sa rubber na ginagamit sa ineksyon). Pansinin ang mga bote sa gilid, pansinin ang nakalagay – ito ang mga pangunahing isyu at problema sa ngayon. Ang Cha Cha ay ang planong pagpapalit ng uri ng gobyerno na pinaniniwalaan upang ma-extend ang kanyang termino, War on terror sa Mindanao at dati sa Middle East na pinaniniwalaan may ibang underground deals mula America, Political killings – isama na rin ang mga desaparecidos na journalist, opisyal na nagsisiwalat ng katotohanan o kasiraan sa kanila?, ang E-VAT na pagkalaki-laki na lalong nagpapahirap sa mga businesses at employee dahil sa mga tax na binabayad nila na hindi napupunta at nahahati sa dapat pagbigyan (kaya tuloy ang dami pa rin baku-bakong kalye at iba pa). Pansinin ang ineksyon, maaring para ma-immune siya sa mga problema, pero ang mas malalim pa doon ay maaring nagrerepresenta ito sa problema sa droga. Ang pinakapangunahin at napakatagal na ngunit hindi pa rin malutas. Ipinapakita dito na sentro ito,nagsasaad ng kabigatan ng problema.

Sa lahat ng ito, masdan ang labi, parang pamilyar iyon parang sa batman, parang clown, parang si Joker, maaring nagsasaad na ang pekeng pangulo at ang administrasyon niya ay nanloloko at pinapaikot tayo sa mga gawain nila. Nga pala, may buwaya (ayun nasa gitna ng pekeng pangulo) - representasyon ng mga opisyal at kagawaran nila. Mga pangigipit na ginagawa nila upang ikaw ay magbigay ng kahit kaunti para sa kanilang panandalian o pangmahabaang gratipikasyon. Ganyan na nga ba kababaw ang opisyal? Nakukuha sa materyal o pang-benepisyong nilang mga bagay? Iyon kahit nanloloko ay nakakatulog pa rin?

Nakikita niyo na ba ang histura ng kartun?

Malikhain ang pagkaguhit ng kartun sapagkat marami pala itong implikasyon. Pero, parang isa lang ito sa maraming editoryal na kartun na bumabatikos sa administrasyon, na obviously ay dineadedma lang ng mga opisyal. Hindi sa wala na akong masyadong pakialam. Natatakot nga ako kasi ganito ang kinalalabasan ng mga nangyayari sa gobyerno. Natatakot ako kung may justice system pa ba talaga tayo. Sa totoo lang, napapagod na rin ako sa kakapakinig ng mga isyu na alam natin na wala naman mangyayari. Kung gayon, parang totoo na ba ang sinasabi ni Thrasymachus na galing pa sa sibilisasyon ng Griyego, na justice is subjective to those who are in power? Sana hindi naman. Sana dito sa “Alabang Boys” isyu eh huwag naman maging isa sa mga“hot and fizzle” na isyu. Sana ngayon, makita na talaga ang katotohanan.

Minsan, naiisip ko, natututo ba talaga tayo? Ilang editoryal kartun na ba ang na-iguhit para isiwalat ang kamalian? Para saan pa ang kasaysayan? Kasi naman, kung anu nangyayari nung labinlimang (15) taon nakakalipas eh halos ganun pa rin ata ngayon.

Nagkagulo noon, Nagkakagulo pa rin ngayon sa mga parehong rason. Nag-iiba lang ang mukhang ginuguhit sa kartun pero ang isyu,pansinin magkakapareho lang.

Anu nga bang bago? Parang wala.

Monday, December 29, 2008

This is the S-E-A-S-O-N to be jolly.

Have a very very merry and wonderful Christmas and
a prosperous and blessed New Year!
God bless thee.

Remember that He is the greatest gift given to us.
Remember HIM in every reason we choose to celebrate.

FIL 25 PAPER NO. 4:It’s Christmas, “Christ”-mas Time!

UP Manila Chorale
December 13,2008 7 pm
PhilAmLife Auditorium,UN Avenue, Manila

G.F. Handel “Messiah” -- nakasulat sa tiket ng UP Manila Chorale para sa kanilang concerto. Okay na okay na theme ng chorale, talagang napapanahon ngayong Kapaskuhan.

Sino nga ba si Handel? Kung hindi mo siya kilala, kasabayan siya nila Johann Sebastian Bach at Domenico Scarlatti. Kabilang siya sa mga magagaling na maestro ng musika noong Baroque. Sumikat siya sa piano/organ(kung hindi ako nagkakamali hindi pa naman uso ang piano noon) piece na The Messiah na may “Hallelujah Chorus”. Ayaw talaga siyang pag-aralin ng kanyang magulang ng musika, gusto nila mag-law na lang daw siya. Ngunit, may nakakakita ng kanyang potensyal, biro mo 7 years old siya naging organist na siya sa simbahan nila. Pinasikat at ginamit din niya ang technique na fugue – contrapuntal composition or technique of composition for a fixed number of parts, normally referred to as "voices”. Na ngayon ay talagang ginagamit ng mga komposer.

Pero ang entry na ito ay hindi lamang tungkol kay Handel, ito ay tungkol sa pagbibigay- buhay ng UP Manila Chorale sa mga komposisyon ni Handel, mga English at Tagalog na Christmas songs, sa ganitong paraan – nabibigyan na rin nila ang mga ito ng isang pagpupugay.

Magaling at maayos ang pagkakanta ng mga awitin, kabilang na ang “Gloria in Excelsis Deo”, “Jingle Bells”, “Santa Claus is coming to Town”. Ang ibang mga Filipino Christmas songs ay “Pasko na Sinta ko” at “Kumukutitap” at marami pang iba. Hindi ko lang matandaan ang mga pamagat ng ibang kanta sapagkat ang ilan ay nasa ibang lenggwahe o hindi ako pamilyar sa mga kanta. (Nahati ang palabas sa dalawang bahagi: ang una’y mga kanta sa ibang bansa na nasa ibang lengwahe at ang pangalawa ay mga kanta ng Pilipino at sikat na Christmas Carols.) Sa isang banda, maganda rin ang kanilang ginawang hindi lang puro kumon na Christmas songs ang inawit, sapagkat naipapakita nila ang kanilang “versatility” bilang mga mang-aawit at ibinubukas din nila ang isipan ng mga manonood ukol sa musika ng ibang kultura at ng bansa nito.

Mula sa ipinakita nilang talento sa pagkanta, naipadama talaga nila ang mga damdaming nais ihatid ng mga kanta. Hindi naman talaga nakakapagtaka sapagkat magaling naman talaga ang UPM Chorale, masasabing kabilang ito sa prestigious choirs sa Pilipinas, o maging sa buong mundo. Dahil, sumasali sila sa mga paligsahan sa ibang bansa, at aba!! Humahakot pa rin sila ng gantimpala!!!!

Sa kabila nito, may puna ako sa palabas, marahil nakapanuod na ako ng concert ng UPM Chorale dati, kung ikukumpara ko doon, masasabi kong medyo hindi “lively” ang concert. May mga parte na medyo “dragging”.

Pero kung isusuma, worth it ang show at nagpapaalala na malapit na ang Pasko---isang pagbibigay buhay sa kapanganakan ni Hesus at pagbibigay pag-asa na may magagandang banyuhay na maari pa natin gawin para sa darating na taon.

Joyeux Noel and a Happy New Year!!!!

Sunday, December 7, 2008

FIL 25 paper no. 3 - Hawig paragraph 11

"Instant" henerasyon?

Ang henerasyon ngayon, nakatutok na lang lagi sa telebisyon. Sapagkat ang telebisyon nga naman ay kumpleto, kung ayaw mong magbasa ng dyaryo may mga balita, sa walang magawa maari silang makipagkilala sa ibang tao: makipag-date, pwede magkaraoke, pwede rin makinig ng mga dasal, mayroon din maraming palabas kung saan magiging bukas ang mga isipan ng mga tao sa mga realidad at mga kaganapan sa mundo. Oh di ba? All in one. Napaka-instant. With a touch of button, ayan na! Ganyan din daw ang henerasyon ngayon, sige sige lang ang pagkilos, kung ano sabihin o makita sa telebisyon-gagayahin o hindi kaya bibilhin- ang henerasyon daw ngayon- hindi makapaghintay. Katulad ng ipinapakita sa maraming palabas at komersyal sa TV - instant kaibigan , instant pag-ibig, instant kaligayahan. Marami sa mga karakter ang nagpapakita na okay lang bumili ng bumili ng mga damit, magkaroon ng instant na kaibigan at pag-ibig atbp. Pero sa totoong buhay hindi naman maari iyon. Nagpapatunay ito sa pagiging “subsumed” na ng kabataan sa telebisyon. Isa itong nakakalungkot na pangitain. Sadyang napakalaki ng impluwensya ng telebisyon, hindi lamang para sa pagpapahayag ng impormasyon ngunit pati na rin sa pansarili at panandaliang gratipikasyon. Pero, sa totoo lang, maari naman tumiwalag o hindi sumunod sa ihip ng masamang idudulot nito, nasa sa tao lang iyon-- telebisyon lang iyon.

FIL 25 paper no. 3 - PRECIS paragraph 6-7

Ang totoong layunin ng advertaysing

Ang advertaysing ay isang instrumento ng kontrol sa lipunan. Hindi maitatangging katotohanan sapagkat saan sulok man tayo ng Pilipinas pumunta eh lahat may advertisement, lahat na lang ng dapat bilhin ay idinidikta nito (syampoo, sabon atbp.). Ngunit, ito ay nagkakaroon ng hindi magandang reputasyon, ito ang ilan sa mga dahilan: Lahat ng ninanais ng mga tao ay nagiging mababaw sapagkat nakadepende na lang ito sa kung anu man produkto meron sa merkado at kung kalian nila bibilhin ito at papaano. Ayon pa nga kay Potter,“di taglay ng advertising ang mapagbuti ang isang indibidwal o magdivelop ng mga katangian na magiging kapakipakinabang sa lipunan sapagkat wala ito sa kanilang pananagutan.” Isa itong nakakatakot na realidad ng advertaysing na mabilis na ipinapahayag sa telebisyon, sapagkat napakalaki ng impluwensya ng advertisements sa atin (impluwensiyang napapaniwala nila ang mga ordinaryong tao na ang produkto nila ay kaakit-akit at dapat bilhin), eh ang adhikain lang pala ng mga advertisers ay ang bilhin ang kanilang produkto at kung anu man ang kalagayan o mangyayari sa mga konsumer nila ay hindi na nila sakop iyon.

Tuesday, December 2, 2008

FIL 25 paper no. 2 (part 2):SAGISAG NG NGIPIN SA IBA’T IBANG KULTURA




"You ever pull a tooth?"
"How tough are you?"
"Oh, I had 'em pulled before with pliers. That what you mean?"
"Nah. They showed us this movie in dental school. Some tribe that knocks out boys' teeth with a big stick as the highlight of a puberty rite."'


Nakakagulat noh? Marahil sa mga taong may kultura katulad noong nasa itaas, ay normal lang sa kanila.

Sabi sa aking isang nasaliksik, ang ngipin ay may mga sagisag o may mga kanya kanyang importansya sa bawat kulturang kinabibilangan ng isang tao. Hindi ba’t ang galling, kasi ngipin, ngipin na nasa bunganga: pinang-ngunguya at ginagamit sa pagsasalita, halos ganyan ang alam natin ginagawa ng ngipin. Pero sa iba pala, may mga pamahiin ukol dito: mula sa pagkabungi atbp. O di kaya’y pinag-uugatan ito ng malalim na kultura katulad na lang ng pagkukulay ng itim sa mga ngipin ng mga Hapon na sumisimbolo ng estado, loyalty at iba pa.

Kaya naman, pumili ako ng iba’t ibang pamahiin ukol sa mga ipin na nagpapatunay na iba’t ibang pagtingin ng kultura dito.

Sa Korea: Kapag ang mga bata ay nabungian sa parteng ibaba ng jaw ay tinatapon nila ang ngipin sa west roof. Kapag sa itaas naman na parte, ang ngipin ay hinahagis sa east roof. Pinaniniwalaan nila na kinukuha ito ng Magpie o klase ng ibon magkakaroon ng panibagong ipin at swerte. Koreans believe that magpie is a good omen.

Sa Amerika: Kapag nabungi ang bata, inilalagay ito sa ilalim ng unan at pinaniniwalaan na papalitan ito ng tooth fairy ng pera. (sa totoo lang, hindi naman ito totoo).


Sa Mongolia: Pinapakain nila ang baby tooth sa aso, para daw kapag kinain, tutubuan ang bata ng matibay na ngipin.


Sa Asia: Ang baby tooth ay ihinahagis pataas sa bubong para tumubo ng maganda ang ngipin.



“Ang eohaguro” – pagiitim ng ipin.
Nawala itong tradisyon na ito dahil sa pagpasok ng Westernized na kultura noong panahon ng Meiji.

Ang pag iitim ng ngipin ay para na rin fashion, nagbabago bago depende kung ano ang dinidikta ng kultura at pinapauso ng panahon.

Ang kulay ng ipin ay repleksyon ng kagandahan, estado, edad,loyalty o kapangyarihan. “The aesthetic sense of color in Japan has been influenced by Buddhism, thoughts from ancient times, and the Yin, Yang and five elements combination theory.”


The Japanese word of is connected with night; of expresses darkness after the sun sets. In ancient times, night was considered the time when evil spirits being rampant. Black was ill-omened and hated as a color which means to be wrong. However, in the Buddhist faith, black is the changing of color which cannot be dyed with another. It was believed to represent robustness and dignity from its visual weightiness, and thus the high ranking Samurais were fond of using it


Ang unang nag-itim sa ngipin ay ang mga lalaki o mga Samurai na nagwakas noong Muromati Era, sumunod dito ang mga babae para mas maging kaakit akit ang kanilang pisikal na anyo para sa kanilang mga asawa. Dahil dito, naging batayan na ito ng estado ng isang babae sa lipunan.

Mayroon pa ngang medyo“extreme” na nakasuot ng kimonong itim, at mag-mamake-up ang buong mukha ng itim, isa ito upang hindi maipakita ang ekspresyong tinatago ng babae (galit, tuwa atbp.). May implikasyon ito sa kultura nila ay ang pagpapakita ng subordination ng babae sa lalake, loyalty, marital status at tungkulin. Nakaugat ito sa ideya nila ng fidelity.

Marahil ngayon mga panahon ay wala na talagang gumagawa nito, ngayon naman pagpapaputi na ng ngipin ang ninanais ng karamihan. Kung kaya’t totoo na kung ano ang kultura na umuusbong at kumukontrol ng halos lahat ay yun din ang nagiging repleksyon ng kultura ng isang bansa na minsa’y may mga sariling pamantayan at tradisyon. Na malinaw na nakikita sa mga kulay ng ngipin natin.

MGA KARAGDAGANG KAALAMAN
> Some mummies have teeth filled with a kind of resin and malachite. In other mummies, gold wire has been used to bind loose teeth.
> Mas Mahal ang dental fee sa United states kaysa sa Japan
> Ang mga “dentists” ng Egyptian ay ang mga scribes din nila

Sanggunian:

n.a.(2005, October 9). Coffee and Chaos: Ang Alamat ng Pulang Ngipin. Retrieved
November 30,2008, from
http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4086
n.a.(n.d.). No Title. Retrieved November 30,2008, from
http://www.nature.com/bdj/journal/v192/n12/full/4801462a.html
Hoon, J. (n.d.). Baby Teeth. Retrieved November 30,2008, from
http://www.elc.byu.edu/classes/buck/w_garden/students/students_comparison.htm
n.a.(n.d.). Coffee and Chaos: Ang Alamat ng Pulang Ngipin. Retrieved
November 30,2008, from http://www.peyups.com/article.khtml?sid=4086
Rodriguez, Z. (n.d.). What happens when a child loses his first tooth in Mexico.
Retrieved November 30,2008, from www.google.com
Toda, N. (n.d.). Goodbye to Baby Tooth. Retrieved November 30,2008, from
http://www.google.com/
Fukugawa, M. (n.d.). Teeth as a colorful form. Retrieved November 30,2008, from
http://www.fukagawa.or.jp/research/Teeth_color.html
n.a.(n.d.). Mummies. Retrieved November 30,2008, from
www.jirdc.org/dental/Just_for_Fun/Tooth_Trivia/Teeth_Tales/teeth_tales.html - 38k